photo

Pwede bang manligaw?

Pwede bang manligaw? - Ang tanong galing sa ask.fm na ilang minuto ko ding pinag-isipan.

Karaniwan kasi ng mga tanong na tinatanong sa ‘kin, kaagad kong nasasagot. Pero pagdating dito sa tanong na ‘to, napapa-isip talaga ako. :))
Siguro, di dahil sa hindi ko alam ang sagot, pero ‘di ko alam kung anong mga tamang words ang dapat sabihin. Yung maiintindihan. :)


Pwede nga bang manligaw, Yen?
Isa lang naman ang isasagot ko sa ngayon eh.
Hindi. Pero, marami akong dahilan bakit ganyan ang naging sagot.

Una, hindi naman sa nagiging choosy ako o nag-innarte pero, tatanungin din kita:
Ako lang ba ang kaya mong ligawan? O kaya mo ding ligawan ang pamilya ko? lalo na ang magulang ko?

Ang dami-daming lalaki ang napakalakas ng loob para manligaw pero di naman nila alam talaga ang pinapasok nila. Liligawan lang nila ang babae kasi alam nilang may pag-asa silang sagutin sila nito. Di sa nila-lahat ko ang mga lalaki pero, karamihan talaga ay ganito. Lalo na yung mga jejemon. Ang tanong, jejemon ka ba? ckan I qet yer dhiQitzx, Misz? phwedi kca buang maqinG jOwa?

Pangalawa: Alam mo ba talaga ang sinasabi mo? 
Yung mga katagang, “Sorry, it wasn’t you. It was me.” o di kaya “Akala ko totoo eh, di pala.” o yung mas grabe, “Nagkamali ako, di pala talaga ikaw ang mahal ko.” Ayun. Ayun tayo eh. Pag sinabi nating gusto mong manligaw, kalakip nun ang kagustuhan mong maging parte ng buhay niya, tanggapin ang mabuti at pati na rin ang hindi mabuti sa kanya. Ito ay isang gawain ng taong nanunuyo sa kanyang taong napupusuan. Tinatawag din itong pangingibig. Ayan.. PAG-IBIG. Ano nga ba ang pag-ibig?

Siyempre, hindi naman natin malalaman talaga ang totoong depinisyon ng pag-ibig kundi galing sa isang gumawa nito. Alangang magtanong tayo kung paano gumawa ng building sa isang teacher. Siyempre, dun tayo sa mismong gumawa talaga. Sino nga bang gumawa ng pag-ibig?

Sino pa ba? edi si Lord. Siya ang nag-iisang author of love. Actually, Siya ang pag-ibig. 

1 John 4:16 

"So we have come to know and to believe the love that God has for us. God is love, and whoever abides in love abides in God, and God abides in him.”

Kaya nga tayo natutong mag-mahal kasi, minahal Niya na tayo. :)

1 John 4:19 

"We love because he first loved us."

"Loooooove! Ang dami namang verse, Yen. Ano ba talaga ang love? ‘di ba, di yun nae-explain?"

1 Corinthians 13:4-7

New International Version (NIV)

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.

It is not about YOU. But it is about WE. :)

Pangatlo: Bakit ka nanliligaw? Dahil ba gusto mo lang magka-girlfriend o may pagmamahal ba talaga?

Hay. Nakakalungkot lang sa henerasyon natin ngayon, pag walang magawa, magbo-boyfriend o maggi-girlfriend. Kaya nga nauso ang summer love. Guys, be sure that before you court a girl, nandun yung commitment sa heart. Relationship nga eh. Hindi past time. Its a serious thing. Ang layo ng ibig sabihin ng Relationship sa Relation-fling.

Pang-apat: Kung “may pagmamahal” nga, handa ka na ba?

Oo Yen. Handa na ‘ko. 
Ahh.. so you’re saying that, you are financially prepared, emotionally prepared, physically prepared, socially prepared, and spiritually prepared?
Naku, bro. Siguraduhin mo lang. :)

Sabi nga ng Pastor Jon Naron nun dati, na hindi daw talaga pera ang dahilan ng pagiging mahirap ng mga pilipino. Alam niyo kung ano? Relationship. Bakit? Basic example: sa isang pamilya, pag ang mag-asawa naghiwalay, apektado ang mga anak. May mga hindi makakapag-aral. May mag-aasawa nalang ng maaga. Hanggang sa mapapasa nalang ng mapapasa sa bawat henerasyon mula dun sa pamilyang yun. Paano ko napatunayan? Karamihan ng kamag-anak ko, ganyan ang nangyari.

At kung inaakala niyo, hindi ko naranasang magkamali dati sa mga ganyan relasyon. Isa din po ako dati sa populasyon ng kabataang pilipinong hindi alam ang pinapasok nila. Meron po ako isang taong relasyon, 1 buwan at 2 buwang relasyon. Wala namang problema sa mga naging boyfriend nun, pero.. sa ‘kin meron. Di ako sigurado. 

Siguro naman, sa haba ng sinabi ko dito sa blog, alam na alam niyo na. We should be wise, girls and boys. Sa panahon ngayon? yan ang higit na kailangan. Pag-iisip muna. Hindi natin pwedeng sabihing, “bata pa naman ako eh. Di ba pwedeng mag-enjoy muna? tsaka na yung seryoso seryoso.” Yun nga eh, karamihan sa ‘tin ngayon, ang pagkaalam sa pag pasok sa relationship, BIRUAN. Kaya nga sa huli, binibiro din tayo ng mga mali nating kaalaman. Uulitin ko po, Relationship is a serious thing. It is designed for marriage. Yes. Oo. Korek ang inyong nabasa. It is designed for MARRIAGE.


Kaya, di pa po ako pwedeng ligawan. Di pa po ako nakakatapos, wala pa akong trabaho, ayokong mang-hingi sa mama ko para sa pamasahe papunta sa pagde-date-an, lalo na’t itago ito sa pamiya ko, lalo na kay mama. kailangan ko pang tumulong sa pamilya ko, ayokong masaktan ang future partner ko, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko:)

photo

photo

quote

"Ask me a question"
ask.fm/yenolay

(Source: )

Summer: Day 1

Movie Marathon. Halo-halo. Tweeting. Scrolling the Facebook newsfeed. I missed my tumblog. I want this summer to be productive! :)

photos

He faced all this for you, for you to be loved, blessed, glorified, exalted, satisfied, accepted, freed and resurrected.

(Source: worshipgifs, via 9-means-forever)

HALO-HALO SEASON
photo

Last iTams night <3 #tb

Last iTams night <3 #tb

photo

So proud of this girl. Remember, you are qualified! Love you bebelaugh! Go for VG naaa! C&#8217;mon! &gt;;)&lt;

So proud of this girl. Remember, you are qualified! Love you bebelaugh! Go for VG naaa! C’mon! >;)<